ELCC国際子ども学校
Para sa mga batang nakaligtaan ng Pagkakataon
ELCC
Ecumenical Learning Center for Children
国際子ども学校(在名古屋のフィリピン人の子どもたちの学校)
Programa ng ELCC
1. Ang mga aralin ay nakabatay sa pangangailangan ng mga bata at ang pinaghahalawan ay mga aklat sa Pilipinas, gayundin dito sa Japan.
2. Ang pasukan ay magsisimula sa buwan ng Abril at matatapos sa Marso ng susunod na taon. Ang klase ay mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9:50am – 2:30pm. May dalawang (2) kategorya, Kindergarten(A) at Elementary(B). Ang aming mga subjects ay, Filipino, English, Mathematics, Science, Japanese, Philippine Studies, Social Science, MAPE, Religion, Computer, atbp.
3. May excursion at field trips tatlong (3) beses sa isang taon, Sports Festival at Long-Day Camp, kasama ang mga batang lokal at Christmas Party. Sa mga panahong ito, maraming boluntaryong Hapon ang sumasama na nagbibigay ng pagkakataon para sa lahat na makakilala ng bagong kaibigan.
4. Mayroon din palagiang konsultasyon sa Filipino community at Parent-Teacher’s Association upang talakayin ang pag-unlad ng mga bata at iba pang bagay na may kaugnayan sa mga bata at sa pamilya nito.
PARA SA DAG-DAG NA KAALAMAN—Tumawag po lamang sa numero 0561-53-8937(Lunes-Biyernes 10:00am-2:30pm)
お問い合せは名古屋学生青年センター(052-781-0165)まで。
Ang ELCC ay pinangangasiwaan ng Nagoya Youth Center na pag-aari ng Anglican/Episcopal Church in Japan-Chubu Diocese. Ang Nagoya Youth Center ay naitatag noong 1957 sa tulong at suporta ng Anglican Church of Canada.